Price Watch

LPG: No longer a woman’s “partner”

February 2012

LPG is considered to be a woman’s partner. This is because women, who are traditionally in charged of tending to the daily needs of the family, use LPG for preparing and cooking food. Thus, they are the ones who are the first and directly affected by the increase in the prices of LPG.

In the first two months of the year alone, LPG has increased its price twice. The first increase of P3.00 was announced on the first week of January while the second hike of P6.00 was announced on the first week of February, totalling to P9.00 per kilogram of LPG or P99.00 per 11-kg tank. With this, the price of LPG increased by 10-20% from P739.50 to P801.20 in 2011 to P788.00 to P935.60 in February this year.

Patuloy na Pagtaas ng Presyo: Kaya Pa Ba Nating Magpasko?

Disyembre 2011

Tuloy tuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng bilihin kaya naman hirap nang makaagapay ang mga kababaihan sa pagbabadyet ng maliit na kita ng pamilya, lalo na ngayong magpapasko.

Simula Oktubre 2010 hanggng Oktubre 2011, tumaas ang karamihan kung hindi man lahat ng produkto. Pinakamalaki ang itinaas ng presyo ng mga pantimpla katulad ng patis, toyo, at suka. Malaki ang epekto nito sa mga pamilya lalo na’t para sa ilang mga pamilya sa maralitang lungsod, halos ito na lamang ang kanilang isinasahog sa kanin bilang pagkain nila sa araw araw.

Sa mga iba pang binibili ng mga nanay, marami pa rin ang nagtaas ng presyo. Halimbawa, sa gatas, ang itinaas ng presyo ay mula P.05 hanggang P6.00. Ang problema, hindi naman lahat ng tindahan ay mayroong maraming produkto na puwedeng pagpipilian.

Pagsirit ng Presyo ng Gulay

Nobyembre 2011

Sa sarbey na isinagawa ng CWR noong 2010*, lumabas na karaniwang isda at gulay na lamang ang binibili ng mga nanay dahil hindi na sila makabili ng baboy at manok. Pero sa pagsirit ng presyo ng gulay, hindi na malaman kung paano pa iba-budget ang kanilang kakarampot na kita.

Lubhang naapektuhan ang mga taniman sa Gitna at Hilagang Luzon bunsod ng pananalasa ng Bagyong Pedring noong Setyembre 29. Pinalala pa ito ng matinding pagbaha, kalakhan sa Gitnang Luzon dahil sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam na sumira sa malalawak na sakahan at taniman.

Nanggagaling ang kalakhan ng gulay na iniluluwas sa Maynila mula sa mga probinsyang sinalanta ng bagyo at baha. At ang pagkasalanta ng bagyo ang unang paliwanag ng gobyerno kaya nagtaasan ang presyo ng mga ito. Kaya kung susuriin, nagtaas ng presyo pagkatapos ng Setyembre 29 at nanatiling mataas pa rin ang presyo makalipas ang halos isang buwan pagkatapos ng pinakahuling bagyo noong Setyembre.

Dagdag Presyo sa mga Binibili ng Nanay

Sa badyet ng mga nanay sa araw-araw na kanilang pinagkakagastusan, makikitang napakalaking agwat ng kanilang kakayanan kumpara sa taas ng presyo ng bilihin. At kung susuriing mabuti, ang mga karaniwang binibili ng mga nanay sa mababang saray ng lipunan ang siyang sumisirit ang presyo pataas.

Walang Kapantay na Pagtaas sa Presyo ng Bigas

Batay sa talaan ay makikita ang pagtaas sa presyo ng halos lahat ng pangunahing bilihin sa merkado kumpara sa mga nagdaang buwan at taon. Pangunahin sa pagkakaroon ng pagtaas ang presyo ng bigas na kung ikukumpara noong 2007 ay nagtala ng 74.23 porsyentong pagtaas at 66.63 porsyento naman ng 2008. Mula sa dating P23.67 (2007) lamang, naging P41.24 na ngayon. Malaki rin ang itinaas ng presyo ng noodles na nagkakahalaga ng P6.38 kumpara noong 2007 na P4.95. Sinundan ito ng sabong panlaba na tumaas ng 28.61%, mula P15.87 noong 2007, naging P20.41 nitong Enero 2009. Nanatili ding mataas ang presyo ng galunggong (P95) bagamat nagkaroon ito ng pagbaba.

PRICE ALERT.pdf