Data Alerts

Mataas na Presyo ng Asukal – Mapait para sa mga Kababaihan

Kamakailan lamang ay hiniling ng mga sugar retailers ang P2.00 na dagdag sa suggested retail price ng asukal. Mula sa P52.00 per kilo ay tataas ito sa P54.00 kung maaprubahan. Idinadahilan ng mga sugar retailers ang pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado sanhi ng kakulangan nito sa suplay.

Mga Bata: Bulnerableng biktima ng karahasan

Sa karahasan, pinakabulnerable ang mga bata dahil sa wala pa silang kapasidad na proteksyunan ang kanilang sarili, lalo na’t matatanda na ang may kagagawan nito laban sa kanila. Bukod pa dito, tumitimo ang pagkalito at pagkatakot ng mga batang nakakaranas ng karahasan lalo na’t kung ang gumagawa nito sa kanila ay ang kinikilala nilang mga taong pangunahing magbibigay proteksyon sa kanila.

Regulasyon sa Presyo ng Langis Hamon sa Bagong Administrasyon

Sa loob ng limang buwan ngayong taong 2010 ay siyam na ulit nang nagtataas ng presyo ang Diesel at Gasolina ayon sa oil price watch ng Department of Energy (DOE). Ang makailang ulit na pagtataas ng presyo ng mga kumpanya ng langis sa Pilipinas ay hamon sa nalalapit na pagpasok ng administrasyon ni Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa hindi maipaliwanag na Yaman ni GMA: GAANO KADALAS ANG PAGTAAS?

Ayon sa Malacañang, 24/7 na presidente si GMA. Ang tanong: 24/7 din kaya ang paglikom ng yaman dahil may 114% na pagtaas ito?

Sa pagsirit ng 114% na yaman ni GMA, hindi ito maikukumpara sa mga nagdaang administrasyon mula kay dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada.

KABABAIHAN: LIGTAS SA KARAHASAN?

Ang pagkakaroon ng batas na magbibigay proteksyon sa kababaihan na may maayos na pagpapalaganap at epektibong implementasyon ang magsisilbing sandata nila sa karahasan. Ito diumano ang ipinagmamalaking tagumpay ng mga kababaihan sa Pilipinas ayon kay Social Welfare
Secretary Esperanza Cabral bago ang ika-36 na sesyon ng United Nations Convention on the Elimination of all forms of Discrimination Against Women (CEDAW) Committee noong ika-15 ng Agosto.

2007_VAW.pdf

KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN AT BATA AT ANG BASE MILITAR NG U.S.

ANG PROSTITUSYON AT ANG BASE MILITAR NG U.S.
Ang prostitusyon ay lumaganap nang malawakan noong nananatili ang mga base militar ng US dito sa bansa kung saan nakilala at tinaguriang “twin cities of sex” ang Subic at Clark. May prostitusyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ngunit pinakalaganap ito sa mga sentrong lungsod
tulad ng Metro-Manila, Pampanga, Cebu at Davao at kung saan may mga kampong militar at baseng militar ng mga Amerikano. Kaya’t sa kasalukuyan, lumaganap ang prostitusyon sa Zamboanga nang ito ay maging bahagi ng Balikatan 02-1. May 2,000 prostituted women ang
naitala noong 2002 sa Zamboanga.

ANG KABABAIHAN AT ANG PADAUSDOS NA KALAGAYAN NG KALUSUGAN

May sampung (10) kababaihan ang namamatay kada araw dulot ng kumplikasyon sa pagbubuntis o panganganak (o 3,650 kaso taun-taon). Ang maternal mortality ay mataas - nasa 240 sa bawat 100,000 livebirths.

2007_sepsis.pdf