Abril 2013
Maagap ang pag-anunsyo ng DOLE (Department of Labor and Employment) at Malacanang na walang aasahang dagdag sa sahod ang mga manggagawa sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Sa kabila nang inilabas na ulat ng NSCB (National Statistical Coordinating Board) na nagpapakitang simula 2006, walang signipikanteng pagbabago sa bilang ng mahihirap sa bansa, iginigiit ng pamahalaan ang pagbibigay lamang ng non-wage benefits sa mga manggagawa.
Para sa maraming kababaihang mababa ang sahod at walang katiyakan ang kalagayan sa paggawa, ang mga non-wage benefits na ito ay hin...








